Thursday, December 14, 2006

ang gusto kong isigaw ngayon!

Ma'am, ayaw ko na po magpa-renew! Napapagod na po ako dito; di na po ako masaya sa nangyayari. Feeling ko, nate-take for granted ako; as if I do not have any value at all. Nade-demoralize po ako, at napakasakit nun, given the kind of loyalty I've been giving you. Mahal ko po kayo talaga, but this time, masyado nang nade-destroy ang aking persona, and i don't think that's healthy. Sayang, willing pa naman ako to support you all the way, kung sana lang po kahit konti, nakita ko na you're giving me even the smallest consideration. Kaylangan ko rin po nun, Ma'am. Meron din po kasi akong mga needs. I'm sorry. But I honestly hope you are, too.

Friday, December 08, 2006

saloobin

Kung minsan napapatanong din ako sa sarili ko, bakit kaya puro na lang sa akin natatapat yung pagsasakripisyo? Am I not asking the Lord for an easier life? Nung bata ako, nasapol ko yung hirap ng buhay; yung bagsik nang pagkakaaksidente ng Tatay. Dinala ko na yun hanggang lumaki. Nakaya naman, awa ng Dios. Bago ako maka-graduate, namatay naman ang Nanay. Hay, napakasakit nun. Wala yatang kasing sakit; hanggang ngayon nararamdaman ko pa. Ako na naman ang tumayo para sa mga kapatid ko at sa Tatay. Ngayon sa trabaho, pakiramdam ko nade-demoralize ako; sa akin na nga ang trabaho, wala naman akong makuhang benepisyo. Parang tinatabangan na tuloy akong gumawa. Di ko maintindihan kung nagiging insensitive lang ba ang mga tao sa paligid ko. Si Ate naman, imbis na mapagaan ang sitwasyon, naiinis pa ako at lalo pa tuloy na nado-doble ang gampanin ko sa bahay.

Nakakapagod. Sa totoo lang, napapagod din ako. Kawalan ba ito ng pananampalataya? Sori po, Lord, alam Nyo naman na napakalaking kagaanan sa akin ang mga Salita Nyo, pero pag minsan, talagang nalulungkot pa rin ako. Kung minsan din tuloy napapaisip ako, kelan ako naging talagang masaya.