Friday, October 13, 2006

Ulan.

Ang laki ng dilim….
Ang lakas ng ulan….
Ang sarap matulog….

Kitang-kita ko mula sa bintana ang pag-alimpuyo ng mga dahon, ang pagsayaw ng mga puno, at ang pag-uunahan ng mga patak mula sa langit. Namumuti ang buong paligid sa hamog ng ulan; makulimlim, walang bakas ng mga ibon. Nakapanlalata ang tanawin, parang nagyayaya ng pagpikit ng paningin. Sa madaling salita, inaantok ako.