Friday, December 08, 2006

saloobin

Kung minsan napapatanong din ako sa sarili ko, bakit kaya puro na lang sa akin natatapat yung pagsasakripisyo? Am I not asking the Lord for an easier life? Nung bata ako, nasapol ko yung hirap ng buhay; yung bagsik nang pagkakaaksidente ng Tatay. Dinala ko na yun hanggang lumaki. Nakaya naman, awa ng Dios. Bago ako maka-graduate, namatay naman ang Nanay. Hay, napakasakit nun. Wala yatang kasing sakit; hanggang ngayon nararamdaman ko pa. Ako na naman ang tumayo para sa mga kapatid ko at sa Tatay. Ngayon sa trabaho, pakiramdam ko nade-demoralize ako; sa akin na nga ang trabaho, wala naman akong makuhang benepisyo. Parang tinatabangan na tuloy akong gumawa. Di ko maintindihan kung nagiging insensitive lang ba ang mga tao sa paligid ko. Si Ate naman, imbis na mapagaan ang sitwasyon, naiinis pa ako at lalo pa tuloy na nado-doble ang gampanin ko sa bahay.

Nakakapagod. Sa totoo lang, napapagod din ako. Kawalan ba ito ng pananampalataya? Sori po, Lord, alam Nyo naman na napakalaking kagaanan sa akin ang mga Salita Nyo, pero pag minsan, talagang nalulungkot pa rin ako. Kung minsan din tuloy napapaisip ako, kelan ako naging talagang masaya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home