Wednesday, March 29, 2006

Lingap

Ika-dalawampung araw na ngayon. Hindi ako makapaniwala na tatagal ito nang ganito at hihigit pa. Mahirap man tanggapin, heto na nga.

Hindi ko pa halos malubos-maisip ang mga nangyari. Sadyang mabilis. Isang umaga nandiyan, ngayon wala na. Ang totoo, hindi pa rin ako sanay. Paano ka naman masasanay sa kawalan?

Hindi ko rin alam kung ano na ang mangyayari sa susunod. Nakararaos naman ang maghapon—-at magdamag. Ngunit hindi iyon ang normal. Kaylan babalik sa dati ang lahat? Sana malapit na.

Uwi ka na.