Wednesday, August 29, 2007

Ang Nakaraan…

Nakaraan na muli ang isa na namang taon sa aking buhay. Panibagong taon, panibagong pagkilos at pagpapala mula sa Panginoon ang inaasahan ko. Tuwang-tuwa talaga ako noong nakaraang Sabado, kumpleto kaming mga dalaga sa aming silid. Masaya naming inaalala ang aming pagkabata at lahat pa ng mga kapilyuhan ng musmos na pag-iisip. Aliw na aliw ang mga mas maliliit, hindi halos makapaniwala sa mga kararaulan ng mga ate. Hindi maitatanggi, bawat isa ay nagdaan sa pagkabata at sa lahat ng kasiyahan at kalikutan na kaakibat nito. At siyempre, ang mga tanda na nakamarka sa balat. Masaya akong ibahagi sa kanila ang aking alaala na siya naman naming pagsasaluhan bilang mga bagong gunita.