Thursday, April 06, 2006

lihim...

may sikreto ako...isang sikretong malupit....

Monday, April 03, 2006

Pabaya

Nakakapanlumo sa tuwing babalikan ang mga pagkakamali na dulot ng kapabayaan... Ang malaking bahagi nito ay nag-iiwan ng di-kawiwiling pakiramdaman--kahihiyan. Hay. Alam kong malaking bahagi nito ay bunga ng pagmamadali. Pangit mang tanggapin na ito ay nangyari na, mabuti na lang may pagkakataon pang baguhin ito kahit sa bandang huli na. At ang pagpuna na ito nga ay pagkakamali ay tanda ng pag-unlad ng kaalaman.

Maski na, nakakahiya pa rin. Parang matutunaw na naman ako...