Thursday, November 16, 2006

Ang Tugon.

Mabuti ang Dios. Tapat Siyang Tunay.

Ang ganda talaga nang linya ng papuring awit. Totoo nga, napakabuti ng Dios; di Siya nagbabago. Pinatunayan na naman niya sa akin. Solve na ang problema. Na-Claim ko na sa Panginoon. Tapos, ang dami pang bonuses ng pabor ng Dios. Ang saya. Siguro, dapat mag-iba na ako ng perspective; ibalik ko na ang pagiging optimistic--good finder. Kung tutuusin, di ko lang napapansin pero ang gaganda ng ginagawa ng Dios sa buhay ko sa iba pang aspeto. Ang dami kong pabor na nakukuha sa Panginoon; bakit nga ba ako laging nangangayupapa sa kalungkutan. Masayang maging masaya. At gusto ko ang maging masaya. Maayos din ang lahat; si Lord pa! Ang sarap ulit-ulitin ng Jeremiah 29:11, "For I know the plans I have for you', declares the Lord, 'plans to prosper you and not to harm you. Plans to give you hope and a future." Saan ka pa?

Monday, November 06, 2006

Nabubuhay sa nakaraan...

Yun nga ba ang ginagawa ko? Nabubuhay sa nakaraan? Hindi nga ba ako maka - let go? Ang hirap naman. Siguro nga. Ang hirap kasi humarap sa present. Sa past, pwede mong balik-balikan, lalo na yung mga happy thoughts. Higit sa lahat, nasa past si Nanay. Actually, yun nga ang nag-i-inspire sa akin para magawa ko kung ano man ang nasa harap ko ngayon. Siguro nga nabubuhay ako sa nakaraan. Ewan ko.

Naaawa ako sa kapatid ko pero wala naman akong magawa. Sori, di ko lang talaga kaya. Alam nyo na ako ang huling taong magre-resort sa ganyang desisyon; wala eh. Ayoko rin namang puro na lang ang sarili ko ang sisihin; tiyak kong sasabihin ng mga nasa paligid ko, masyado na akong martir. Mahirap kasi pag mag-isa lang, sa yo na nga lahat, pati ba sisi sa yo pa rin? Mabigat sa loob yun; parang ang daya naman yata. Hay. Sana maayos na ang lahat. Ayoko na rin mag-isip. Nakakapagod.