Tuesday, October 30, 2007

Dear Nanay,

May sasabihin ako sa iyo, grabe magugulat ka! Si Nene, tumakbo sa SK, nanalo konsehal! Nakakatuwa talaga. Biruin mo, siya lang ang pumasok sa buong partido nila—ang lakas talaga! Ang sabihin mo pa, ang dami pa daw nasayang na boto na hindi nai-count sa kanya kasi nga, nakakalito yung listahan, first name at middle name ang naisulat imbes na family name. Ayun, sayang. Tataas pa sana ang ranking niya. Pang-anim siya eh, siguro pasok pa siya ng pang-apat or panglima kunsakali. Basta mahalaga panalo. Tuwang-tuwa nga ang Tatay e. Naku, kinakantyawan na kami ng Victory party. Sabi ko, first Sunday naman sa Linggo e, magpakain na lang kami sa church. Tapos, dun sa swimming nila ng mga kapartido niya sa SK, baka magprovide na lang ako ng pagkain. Nakakatuwa talaga. Si Nene pa, pulitiko na! Alam ko proud ka. Masayang-masaya si Nene. Itinago namin yung tarp niya; nilagyan ko ng date. Sabi ni Tatay para din nga sa debut niya meron kaming remembrance na maipapakita. Proud na proud ang Tatay.

Sige Nay, sabi ko nga pala kayla Archie maglinis na ng nitso ninyo nila Ina at Inan Tikang. Sa Huwebes, punta kami sa sementeryo.

Sana mas marami pa akong magandang balita sa yo sa susunod.

Babye.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home