Monday, June 25, 2007

Nagitla

Tumpak! Iyan mismo ang reaksyon ko sa sumambulat sa aking balita. Mangyayari yata ang kinatatakutan ko. Bigla akong nahiya. Hindi ko talaga inaasahan ang sinabi ng aking kaibigan; mukhang kailangan ko ring maging maingat. Wala namang problema sa totoo lang, pero hindi ko lang napaghandaan ang sinasabi niyang posibilidad. Ibinigay na niya ng mga sitwasyon at mga maaaring mangyari. Ang totoo, lito ako ngayon. Siguro, susundin ko na lang ang sinabi ng isa kong kaibigan: wag munang problemahin hangga’t di pa dumarating. Hay… e paano kung kailangan ko nang harapin?

Thursday, June 21, 2007

Si Kuya

Ang totoo, isa lang naman talaga ang naging 'kuya' sa amin nang matagal; si Kuya lang.

Kagabi halos maiyak ako habang ikinukwento sa akin ng kapatid ko ang kalagayan ng mga kuya…napakasaya daw nila. Naiiyak ako sa tuwa kasi, ang sarap marinig na masaya pala ang kapatid ko…salamat sa Dios. Kung babalikan, napakabait talaga niya sa amin. Walang kaparis. Nagkaroon lang ng panahon na halos itakwil ko rin siya sa sama ng loob, pero lumipas na yun, at natutuwa ako dahil malaya na ako. Mahal ko ang Kuya. Malaki ang sakripisyo niya sa amin. Ngayon na nagsisimula siya ng bagong buhay malayo sa amin, panalangin ko lang na lalo pa siyang maging masaya. Silang dalawa.

Monday, June 18, 2007

Len


Thursday, June 14, 2007

Gunita

Anibersaryo nila Tatay ngayon. Musta kaya si Tatay? Sana wag naman siyang masyadong malungkot. Syempre alam naman namin na miss na miss na rin niya ang Nanay--iba yung anak, iba yung asawa. Pero mahalaga talaga ang araw na ito para sa akin, kasi naman, 37 taon na ang nakararaan, nagpa kasal ang mga magulang namin at nagsimula ng isang masayang pamilya. Mahal na mahal ko ang mga magulang ko at napakaimportante sa akin ng aming pamilya. Salamat sa Panginoon.

Maligayang anibersaryo sa inyo, Tatay.

Monday, June 04, 2007

pinagpala

Grabe ang blessing sa akin ngayon ng Panginoon! Overwhelming! Thank you, Lord. God compensates. Promotion comes from the Lord. Amen!