Tuesday, February 21, 2006

Gala

Madami akong napuntahan ngayong nakaraang mga araw. Isang linggo sa Antipolo, isang linggo sa Clark, isang linggo sa Cebu. May isang buong araw na gala sa Bohol--grabe ang ganda ng Chocolate Hills at ng Panglao Beach! Nasakay na rin ako sa eroplano at sa ferry...hindi na puro bus at FX. Sa darating na Biyernes hanggang Lunes, punta naman ang Core Team sa Hong Kong. Akalain mo, buti na lang pala at may passport na ako.

Salamat sa trabaho ko kasi nagkakaroon ako ng ganitong pagkakataon, kahit na nga ba, nagpupunta kami doon para magtrabaho. Nakakapagod pero, ayos naman ang karanasan.

Nakakatuwa lang. Gusto kong isulat dito para di ko makalimutan.