Thursday, March 29, 2007

nag-iisip

ano nga ba ang nasaisip ko ngayon? marami. iniisip ko kung ano na ang mangyayari sa prinsesa mamaya. iniisip ko kung mababayaran na ba kami ngayon. iniisip ko kung uuwi ba ako o bukas na lang ng umaga. iniisip ko kung anong sasabihin ko sa chairman. iniisip ko kung pano kung di ibigay ang pera namin ngayon. iniisip ko kung ano ang iniisip ni tan. iniisip ko kung ano ang sasabihin kay sisly kung sakali. huh. ang hirap mag-isip. nakakapagod.

Wednesday, March 21, 2007

hirap

Gusto ko lang umiyak ngayon; pero parang masyado nang manhid ang pakiramdam ko ayaw nang lumabas ang mga luha.