Friday, October 28, 2005

Patlang

Maraming bahagi ng kasaysayang ito ang pinutol gawa nang maliming pagdedetalye. Ang mga karanasang naibahagi ay yaon lamang nasasaunang dagli ng sumulat.

Nakabubuntong-hininga ang pag-alaala sa bawat paskil. Gayon man, nagsilbi itong kagaanan sa dibdib ng may-akda. Maraming pagmumuni-muni ang nalampasan nang maganap ang mga tala. May ilang mga damdaming ngayon lang sumambulat sa hindi inaasahang pagkakataon.

Nakatutuwang isipin, nang panahong ang kwento’y nagaganap bilang kasalukuyan, ni hindi man lamang naalintana ang gayong kalagayan. Mabuti ang Diyos.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home